bc

The Innocent Mistress - [R18+]

book_age18+
6.1K
FOLLOW
39.0K
READ
sex
submissive
mistress
drama
bxg
small town
betrayal
cheating
affair
shy
like
intro-logo
Blurb

Warning! This story consists of scenes not suitable for a very young reader!

THE MISTRESSES SERIES #1

Growing up in the province with her grandmother and grandfather, Eloisa can't wish anything for more. Except for the right man that will love her truly. She was enjoying her single life while watching Korean dramas and dreaming that someday she'll experience a love story like her favorite characters. When she met a guy that will make her world upside down. She tries to resist her feelings for him because of the fear that she will end up like her mother. But eventually, because of his eagerness, she falls in love with him.

She was so in love with him until she goes to Manila to see him. To her surprise, she learns that the man she loves already has his own family.

Will she do what is right or will she follow her heart?

Meet Eloisa, The Innocent Mistress.

(c) 02-03 by Ameiry Savar

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Tapos na ba?” tanong ko kay Marisol, siya ang tumutulong sa akin sa pagluluto. Kasalukuyan itong nagtatadtad sa mahabang lamesa ng mga sangkap na panluto ko sa menudo. “Patapos na po, Ate,” tugon nito. Hindi ko na siya sinagot pa at inabala ko na lamang sarili ko sa paghalo ng ginigisa kong pinakbet. Ito ang araw-araw kong gawain. Ang pagluluto sa kerenderya ni Aling Marites. Hindi naman ako nahihirapan dahil ito na talaga ang hilig ko. At isa pa, andiyan si Marisol na helper ko. Hindi na ako nahihirapan sa paghahanda ng mga sangkap. “Akina,” tawag ko kay Marisol. “Paki ayos na nito.” Pinatay ko na ang kalan at kumuha ng panibagong kawali sa kabilang dulo ng silid. Sa tabi ng pinto papunta sa likod ng karenderya nakapwesto ang malaking cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit pang kusina. Mabilis na kumilos si Marisol. Binitawan niya ang kanyang ginagawa at kinuha ang niluto kong pinakbet. Wala pang dese otso si Marisol ngunit nagtatrabaho na. Madalas ay na aawa ako sa kanya kasi imbes na mag-aral ay andito siya, nagbabanat ng buto. "Narding! Kuhain mo na ito!" malakas ang boses na tawag ni Marisol kay Narding. Ito naman ang nagsisilbing boy rito sa kerenderya. Siya ang tiga-hugas ng mga pinggan at utusan sa tuwing mayroon kaming pinapabuhat. Kagaya nang pagdadala ng mga niluto kong putahe sa counter. Kinuha na ni Narding ang malaking kawali ng pinakbet. Sumambulat ang mabangong amoy niyon noong binuksan ito ni Narding. “Hmm! Ang bango! Siguradong ubos na naman ang luto mo, Eloisa!” nakangising puri ni Narding. Nginitian ko lamang ito at binuksan na ang kalan. Hindi naman sa pagmamayabang, pero sabi ng mga ka-nayon ko ay ako raw ang pinaka masarap na cook dito. Patunay daw ang palaging sold-out ang mga paninda rito sa karenderya. Hindi ko naman iyon itinatanggi kahit na ang gusto ko lang naman ay gawin ang hilig ko. Kaya ang kusina rito sa karenderya ang nagsisilbing opisina ko. Inumpisahan ko na ang pagluluto ng menudo. Malapit na rin kasing magtanghali kaya kailangan ko nang bilisan. Araw-araw ay limang putahe lamang ang niluluto ko. Ayaw kasi ni Aling Marites nang marami siyang niluluto. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay nag-aalala lang siya baka hindi maubos. Ilang sandali lamang ay natapos na ako sa pagluluto. Salamat sa tatlong malalaking kalan kaya nagagawa kong matapos agad sa ginagawa ko. “Kayo na bahala rito, Marisol. Ha?” aniko habang naghuhugas ng kamay sa lababo. “Sige po, Ate.” Hinubad ko na ang pulang apron ko at naglakad na papalabas sa kusina. Na abutan ko si Aling Marites na nag-aayos na sa mahabang lamesa kung saan ipapatong ang mga panindang ulam namin mamaya. “Opo,” matipid kong tugon. Bagsak na ang balikat ko at nangangalum-mata na ako. “Magpahinga ka na muna roon. Mukhang puyat ka na naman sa kaka-kdrama mo,” panunudyo ni Aling Marites. “Magbubukas na tayo maya-maya.” Napangiwi ako sa sinabi niya at lumusot na sa lamesa. Iisa lamang ang lalabasan kapag galing ka sa kusina. Hindi na ako tumugon pa kay Aling Marites dahil totoo naman ang tinuran nito. Bukod sa pagluluto ay kinahihiligan ko ang panonood ng mga kdrama’s. Pagkalabas ko ay umupo ako sa pinaka malapit na lamesa ng kainan. Mayroong tig tatlong mga lamesa ang nakadikit sa mga dingding ng karenderya. Mula sa aking pwesto ay kitang-kita ko ang nakasisilaw sa liwanag na kalsada. Tumungo na lamang ako at kinuha ang mumurahing android cellphone ko sa aking bulsa. Pagod man at inaantok dahil alas kwatro pa lang ay gising na ako, hindi pa rin ako nagpatinag para lang mapanood ang kinaa-adikan kong drama ngayon. Isang episode na lang kasi ako at nasa parte na kung saan ikakasal na ang sekretaryang babae sa amo nitong lalaki. Tungkol kasi ito sa sekretaryang gusto nang mag-resign sa trabaho niya pero ayaw ng amo niya. Nakakainggit. “Sana all,” aniko at nangalumbaba na. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang pinapanood ang dalawang bida. Ang sarap siguro sa pakiramdam no’n? Yung ikakasal ka sa taong mahal mo. Yung bang magkakaroon ka na ng one true love mo? Yung bang nasa tamang tao ka – “Hoy! Panginano!” “Ay!” Halos mabitawan ko ang hawak kong cellphone sa gulat ko nang may humampas sa lamesang kinapupwestuhan ko. Pagtingin ko sa gilid ko ay agad akong napasimangot. “Ano ba, Danilo?!” singhal ko sa kanya. “Pagmasira ‘tong Cellphone ko talagang ibibili mo ako ng bago!” Tumawa lang ito ng malakas at mas lalo pa akong ginitgit kaya napasiksik ako sa dingding. “Nako, nako! Nangangarap ka na naman, Eloisa! Andito naman ako ah? Mas gwapo pa ako kaysa sa mga lalaking ‘yan.” Sumilip ito sa cellphone ko. “Tingnan mo nga oh! Ang puputla!” Napairap ako dahil sa sinabi niya. Paano kasi sunog ang balat nitong si Danilo kaya kung makapuna sa mga pinapanood ko ay sobra. “Ewan sa ‘yo! Sunog ka lang kasi!” inis sa sabi ko sa kanya. Kung tutuusin ay totoo naman ang sinasabi ni Danilo. Magandang lalaki ito kahit na sunog ang balat. Pasok din sa standard ko ang tangkad nito dahil halos hanggang dibdib lang niya ako. Pinaka gusto ko sa kanya ay ang matangos na ilong nito na mayroong maliit na nunal sa tuktok. Tsaka ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi. Ang ibang mga kaibigan naman namin ay gustong gusto ang singkit nitong mga mata. Ang lakas daw kasing maka-chinito. Sa suma-total, pwede siyang ipanghilera sa mga naggagwapuhang artist ana mayroon ngayon sa Pilipinas. Hinala ko nga ay mayroon itong lahing banyaga dahil sa mga mata nito na kulay abo. Idagdag pang parehas kaming hindi na nakilala ang mga tatay namin. Kaya siguro naging magkababata rin kami. Sa tanang buhay ko kasi siya na ang nakilala kong lalaki. At siya lang ang malapit sa akin. “Hmp! ‘Pag ako talaga pumuti, who you ka sa akin, Eloisa. H’wag na h’wag mo akong hahabulin dahil hindi kita papatulan!” puno ng yabang na sabi nito. Napaawang ako sa sinabi niya. Ganito palagi ang pang-aasar niya sa akin na pinapatulan ko naman palagi. Sasagutin ko sana siya nang magsalita si Aling Marites. “Kung ako sa ‘yo, Danilo. Tumulong ka na lang dito. Ilabas mo ang mga pagkain doon sa kusina nang may mapala ka naman,” utos ni Aling Marites habang pinupunasan ang salamin na lagayan ng mga pagkain. “H’wag mo na guluhin diyan si Eloisa.” Agad akong napangisi noong biglang nawala ang mapang-asar na ngiti ni Danilo. Napakamot na lamang ito at nakangusong tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko. “Buti nga,” pabulong kong sabi. Noong kinunutan ako nito ng noo pagkalingon niya sa akin ay dinilaan ko pa ito. Lalo naman itong napasimangot. Pamangkin kasi ni Aling Marites si Danilo. Kaya naman ay sa tuwing nagagawi ito sa karenderya ay inuutusan ito ni Aling Marited at binibigyan na lamang ng pera. Hindi naman nagrereklamo si Danilo dahil madalas ay nakatambay lamang ito kapag wala itong trabaho sa bukid. Nang makaalis na ito sa tabi ko ay muli ko nang tinuon ang atensyon ko sa pinapanood ko. Agad akong napangiti noong makita ko ang magandang mukha ng bidang babae. Bagay na bagay sa kanya ang suot nitong wedding gown. Napabuntong hininga ako. Alam kong bata pa ako, pero hindi ko maiwasang mangarap. Papaano kasi, bente tres anyos na ako pero wala pa rin akong nagiging nobyo. Ibig sabihin ay kabilang ako sa samahan ng mga ‘No boyfriend since birth.’ Ewan ko ba? Maganda naman ako sabi ng Lola ko. Siguro ay dahil sa masyadong istrikto sa akin ang Lolo ko. Mula kasi noong mamatay ang mama ko ay sina na ang nagpalaki sa akin. Hindi ko rin naman ugaling manguna sa mga lalaki kahit na gustong gusto ko iyon dahil sa mga habilin ni Lola. Sa totoo lang, may mga nagkakagusto naman sa akin. Noong high school kami ay palagi akong nagiging muse ng section namin. May mga panahon pa na ako ang inilaban sa patimpalak ng pagandahan sa school namin. Minsan eh gusto ko nan gang i-unfriend si Danilo. Isa rin kasi ‘to sa mga hadlang para magka-love life ako. Kung umasta kasi ito ay matindi pa sa boyfriend. Napabuntong hininga na lamang ako. Sinubsob ang mukha ko sa lamesa. Hintay ka lang, Eloisa. Darating din ang lalaking para sa ‘yo. “Ayos na ba ang lahat?” tanong ni Aling Marites. “Opo,” tugon naman ni Marisol. Muli akong napaangat ng ulo nang marinig kong magsalita si Aling Marites. “Oh, Narding. Mag-umpisa ka nang maghugas ng plato roon.” Napasimangot si Aling Marites. “Nasaan na ba ‘tong si Ericka?” Namaywang na ito habang nakatingin sa labas ng karenderya. “Danilo! Tawagin mo nga roon sa bahay ang pinsan mo!” “Tita naman! May gagawin pa po ako!” Agad na nagsalubong ang kilay ni Aling Marites. “Nga panulay ka! ‘Di ka tibali?!” (Hindi ka susunod?) Nanlalaki ang mga mata nito at ang butas ng ilong. Pakiramdam ko nga ay anumang oras ay lalabasan na iyon ng usok. Kakamot-kamot na lamang sa ulo na lumabas ng kusina si Danilo at lumusot sa mahabang lamesa. “Sabi ko nga, pupuntahan ko na,” nakasimangot nitong sabi. “Kung saan-saan kasi nagpupunta ‘yang adik sa mga bakla mong anak,” pabulong pang dagdag nito. “Ano’ng sabi mo?!” Napaigtad ako nang sumigaw nang malakas si Aling Marites. Pinandilatan ko agad ang kababata kong nagmamadaling lumabas ng karenderya. “Ericka!” malakas na sigaw ni Danilo nang makalabas na ito. Napailing na lamang ako. Sanay na naman ako sa malakas na boses ni Aling Marites. Pero madalas ay nagugulat pa rin ako. Mabait naman ito, sadyang maingay nga lang. Kung tutuusin nga ay bilib ako sa kanya dahil kahit sampung taon na itong byuda ay hindi manlang ito nagkaroon pa ng ibang nobyo. Umabot na ito ng singkwenta anyos na mag-isa lamang na tinataguyod ang anak na babae, si Ericka. Ang dahilan niya kasi ay hindi na raw mapapalitan sa puso niya ang kanyang asawa. Sana all. “Oh, siya. Maghanda na tayo at maya-maya lang ay magkakaroon na ng mga mamimili,” ani Aling Marites makalipas ng ilang sandali. Mag-aalas onse pa lamang kaya maaga pa. Pero madalas may mga namimili na ng mga ulam. Sakto namang mayroong nang nagpasukang mga kalalakihan. Sila ang mga manggagawa sa ginagawang building dito. Agad na ngumiti si Aling Marites nang makita ang mga ito. “Pasok po kayo!” masiglang bati ni Aling Marites sa mga ito. Umayos naman ako ng upo dahil ilang sandali lamang ay rarami na ang mga tao customer namin. “Anong ulam natin ngayon, Aling Marites?” tanong ni Mang Kadyo. Taga-rito rin siya sa baryo. Maging ang ibang mga kasama nito ay mga taga rito lang din. “Naku! Marami tayong mga ulang ngayon. Mga luto lahat ni Eloisa.” Bumalin sa akin si Mang Kadyo. “Sige, Aling Marites. Kahit naman ano r’yan ay sigurado kaming masasarap lahat dahil si Eloisa ang nagluto!” Agad na nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi nito. Dahil sa rito ako sa karenderya nagluluto ay kilala ng lahat ang luto ko. Tuwing sumasapit nga ang fiesta ay dinudumog agad ang isang bahay kapag nalalaman nilang ako ang nagluluto. Ganoon din sa amin pero hindi madalas ay kaunti lang ang naluluto ko. “Ikaw talaga, Mang Kadyo!” Nahihiyang tumawa ako. "Aba'y totoo naman, hija. Tsaka andito ngayon ang boss namin kaya kailangan niyang matikman ang luto mo," sang-ayon ni Mang Jose. Ito ang pinaka matanda sa kanyang mga kasama. “Boss?” nagtataka kong sabi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nakaramdam ng kaba noong nabanggit nito ang tungkol sa amo nito. Ang alam ko kasi ay taga-Maynila ito at ni minsan ay hindi pa niya ito nakikita. "Sir! Dito po kayo!" Napatingin ako sa bukana ng karenderya noong may tinawag si Mang Jose. Mayroon doong pumasok na tatlong kalalakihan. Ngunit napukol ang atensyon ko sa lalaking nasa gitna. “Sir Arvin!" Bigla kong nahawakan ang dibdib ko nang mapatitig ako sa lalaking parating. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko at halos marinig ko na iyon dahil sa lakas ng pagkabog niyon. Pakiramdam ko ay bigla akong napunta sa isa sa mga eksana sa mga kdrama na pinapanood ko. 'OMG! Ano'ng nangyayari sa akin?' © 02-16

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook